Sinimulan ng may-akda ang kantang
“Ang Huling El Bimbo” sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw ng persona ng awit sa
kaniyang unang mga alaala ng kaniyang kaibigang babae. Ikinumpara ng persona
ang katangian ng mukha ng kaniyang kaibigan kay Paraluman, isang sikat na
artistang pampelikula noong dekada kuwarenta hanggang dekada sitenta. Bukod
dito, ipinahiwatig ng persona ang kagalingan ng kaniyang kaibigan sa pagsasayaw
ng iba’t-ibang mga istilo, tulad ng Boogie, Cha-cha, at El Bimbo.
Sa may koro ay ipinahiwatig ng
may-akda ang madetalyeng pangyayari kung saan nakipag-sayawan siya sa kaniyang
kaibigan. Sa pagpapahiwatig ng persona ng “pagkahawak ng kanilang kamay nang
walang kamalay-malay” at kaniyang pagkatuto ng pag-ibig mula sa pagsasayaw ng
El Bimbo, makikita natin na meron siyang emosyon para sa kaibigan niyang babae.
Bukod sa koro, ebidensiya rin ng
pagkakagusto ng persona sa kaniyang kaibigan sa ikalawang istanza. Makikita dito
mismo ang kaniyang pagkatulala habang sumasayaw ang kaniyang kaibigan.
Madetalye niyang inilarawan ang nakatitigas at nakamamatay na galaw habang sila’y
sumasayaw. Maliban dito, inamin na ng persona ang kaniyang ninanais sabihin ang
kaniyang nararamdaman para sa kaniyang kaibigan. Ngunit ramdam ng
tagapagsalaysay na hindi tama ang oras para ipahiwatig niya ang kaniyang
nararamdaman para sa dahilang hindi nakasaad sa akda.
Sa sumunod na istanza, ikinumpleto
ng may-akda ang kuwento sa pagitan ng persona at ang kaniyang kaibigan sa
pamamagitan ng pagbabalik sa kasalukuyang panahon, kung saan pagkalipas ng
maraming panahon ay maraming pinagdaanang hirap ang kaniyang kaibigang babae.
Dahil matagal na silang hindi nagkikita o kahit naguusap man mula sa kanilang
pagkabata, narinig lamang ng persona ang kaniyang pinaggagawa sa malas na
pagkamatay ng kaniyang kaibigang babae na binawian ng buhay nang isang gabi ay
masagasaan siya sa madilim na eskinita.
Sa ikatlong istanza ay ipinapakita
ang kinahantungan ng babaeng kaibigan ng persona nang lumipas ang panahon. Sa
muling pagbabasa ng lyriko ng akda ay masasabi natin na minalas ang babaeng
kaibigan sa buhay at naging mahirap. Maliban doon, sinasabi ng istanza na siya’y
may anak ngunit walang asawa. Pwedeng mahiniha na naging isang “prostitute” ang
kaibigan ng persona o naghiwalay lamang sa kaniyang asawa o syota ngunit
nakagawa na ng anak dahil sa kanilang pagmamahalan. Dagdag pa rito ang kanyang
miserableng trabaho bilang isang tagahugas ng pinggan sa Ermita, na
magmimistulang pagsasayang sa kaniyang abilidad na sumayaw at natatanging
pangsuporta niya sa kaniyang anak at pang-araw-araw na buhay. Ang pagsasaad ng
may-akda na ang babaeng kaibigan ay nagtatrabaho sa Ermita ay nagbibigay
suporta sa hinuhang siya’y isang “prostitute” dahil ang lugar na ito ay sikat
sa pagkakaroon ng maraming bar at mga hotel.
Sa huling parte ng akda ay
sinasabi na persona na naglaho na ang kaniyang mga pangarap na sila’y makasama
muli. Ngunit, sinabi rin niya na hanggang sa panaginip na lamang niya makikita
(at kung mangyayari, makasayaw) ang kaibigan niya dahil, kahit natunaw na ang
kaniyang mga pangarap ay tuluyan pa rin niyang minamahal yung babae.
(May-akda: Angelo Barredo mula sa klase ng 4-L)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento