Martes, Pebrero 28, 2012

Ang Kantang "Upuan" ni Gloc-9 kasama si Jeazell Grutas - sa Marxistang Pananaw


Sa marxistong pananaw ay ipinapakita ng kantang ito ang nananatiling paghihiwalay ng mayayaman at mahihirap dito sa Pilipinas. Sa kanta inilalahad ang kawalan ng pakialam ng mga mayayaman sa mga mas mababa sa kanila. Habang ang mayayaman ay masaya sa mas madali nilang buhay, ang mahihirap ay nagdurusa. Sa kantang ito, hinihingi ng mga mahihirap ang atensyon ng mga mas nakakataas sa kanila. Sa linyang “subukan niyo namang tumayo,” hinihingi nila ang pagsubaybay ng mga mayayaman sa mahirap na buhay nila. Pinapakita na tunay na mahirap ang buhay nila at wala silang masyadong magawa para iresolba ang kanilang problema. Ito ang dahilan kung bakit nila hinihingi ang atensyon ng mga mayayaman. Sa unang berso ng kanta, inilalahad ng isang katauhan ang kaniyang ingit sa buhay ng mayaman. Ang kotse, bahay at pagkatao ang nais maranasan ng mahirap na tauhan na iyon. Sa susunod na berso, inilalahad naman niya ang kaniyang buhay. Sinasabi niya na ang buhay niya ay tunay na mahirap. Araw-araw ay isang laban para sa kaniya dahil sa kakulangan ng pagkain, sira-sirang tirahan atbp. Dito nakikita ang malaking diperensya sa buhay ng dalawang sangay sa lipunan. Ang mahirap ay tuluyang humihirap sapagkat ang mayaman ay lalo pang yumayaman. Ang mayayaman ay kinakalimutan na ang papel na dapat nilang ipaglingkod sa bayan. Imbis na pansinin laamang nila ang kanilang sariling problema, dapat ipinoproblema rin dapat nila ang nagdurusang mga mahihirap. Ang ating bansa ngayon ay pinapalibutan ng mga skwater at pulubi. Araw-araw milyon-milyong Pilipino ang namamatay dahil sa gutom at sakit. Hindi nila kayang labanan ito dahil wala silang kakayahan. Nakakalimutan ng mga may-kaya ngayon ang kanilang kapalaran. Ang kapalaran nilang nagkaroon ng bubong sa kanilang ulo at pagkain sa kanilang plato. At dahil dito nakalilimutan na rin nila ang kahirapan na nararanasan ng malaking parte ng Pilipinas. Lalo pang lumalaki ang paghihiwalay ng  mayaman at mahirap dahil sa walang pagpansin sa kapalarang ibinigay ng maykapal. Kinakailangan lamang ng pansin para malagyan na ng tulay ang dalawang sangay na ito. Kung patuloy lamang na mawawala ang pagpansin na ito, tuluyang mahihirapan ang mga Pilipinong tunay na mahina.

(May-akda: Gianfranco Filart mula sa klase ng 4-L)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento