Martes, Pebrero 28, 2012

Ang Patalastas ng McDonald's na Pinamagatang "Girlfriend" - sa Feministang Pananaw





Nagsimula ang eksena sa isang batang lalaki at batang babae sa may palaruan. Tinanong ng babae kung naiisip bang lalaki na maging magkasintahan sila. Eh kaso, sabi ng lalaki na ayaw raw niya munang magkaroon ng ka-relasyon dahil unang una, demanding daw ang mga babae. Marami raw ang hinahanap hanap. Pero yung babae naman, gusto lang naman niyang mailibre ng French fries sa McDo. Para lang mapangiti siya ng lalaki, nilibre nalang niya ito, at naging “mag-boyfriend” sila.

Sabay, sinasabi ng akda na ang mga babae, ay ang laging nalilibre ng mga lalaki. Sila ang laging sinusundan, sila ang nasusunod, marami nga raw silang mga demand, ngunit sinasai rin na ang responsibilidad ng mga lalaki ay ang pag gastos para lang sa mga babae at hindi maaari ang pabaliktad. Ang babae ang mas nangangailangan ng tulong, ibig sabihin, mas mahina sila, mas mahirap sila, at wala silang karapatan na bumili ng sarili nilang pagkain kapag ninanais nila. Kahit medyong eksaherasyon ang sinabi ko sa nakaraang pangungusap, di nito iniiba ang konsepto na ang pagtingin lamang sa mga babae ay bilang mga taong pinag-gagastusan para lang sila’y maging masaya.
Dahil rito, ang imahe at ang mismong dignidad ng isang babae ay minamaliit.


(May-akda: Justin Matthew Candelario mula sa klase ng 4-L)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento